IGINIIT | NFA, sinasadya ang kalituhan sa mga magsasaka para may dahilan para mag angkat ng bigas sa ibang bansa

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Committee on Food and Agriculture Chairman Cynthia Villar na dapat alisin na ang salitang “Intentional Confusion” para wala ng dahilan para mag import ng bigas sa ibang bansa.

Sa ginanap na Hearing sa DA Budget sinabi ni Senator Villar na sadyang gumagawa ng kalituhan ang NFA para meron silang dahilan upang mag angkat ng bigas sa ibang bansa para kumita.

Nais malaman kasi ni Villar kung saan ginamit ng NFA ang 7 bilyong piso na ibinigay para pambili ng bigas.


Paliwanag naman ni NFA Assistant Administrator for Finance Yolanda Nieves hindi naman nila sadyang lituhin ang mga magsasaka matapos sermoran ni Villar ang NFA kung bakit mahilig mag angkat ng bigas at hindi bumili at tangkilikin ang mga Lokal na magsasaka.

Dagdag pa ni Nieves na ang Minimum access volume na kanilang inangkat na bigas ay umaabot sa 51,418 bags pero nagalit si Villar dahil ang gusto ng Senator ay dapat sabihin sa metric tons.

Giit ng Senadora kinausap nito ang mga magsasaka at binanggit sa kanya na 17 pesos ang kanilang ibenenta sa mga Traders dahil hindi tinatanggap ng NFA ang kanilang mga palay.

Facebook Comments