Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jess Dureza na isang tagumpay ang pagpasa ng Kongreso at paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangsamoro Organic Law o BOL.
Sinabi ito ni Dureza sa kauna-unahang stakeholder’s conference sa United Nations Association of the Philippines.
Ayon kay Dureza, uunahin nilang pakikinggan ang mga hinaing ng mga Bangsamoro para aksyunan ang kapayapaan sa Mindanao.
Nasa kamay na aniya nila kung paano nito maisasaayos ang Mindanao sa pamamagitan ng ilalaan na pondo ng gobyerno.
Tiwala naman si Dureza na mabibigyang daan na ang matagal nang inaasam na kapayapaan at kaunlaran hindi lang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa.
Facebook Comments