Hinding-hindi magpapadala ang Department of National Defense (DND) sa mensahe ng CPP-NPA na nakadepende sa pagtigil ng operasyong militar ang buhay ng mga bihag nilang sundalo at CAFGU.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana – alam naman ng mga sundalo at CAFGU na bahagi ng pakikidigma nila ang panganib na baka sila mabihag.
Giit pa ni Lorenzana, gusto lang gawing pain sa gobyerno ng npa ang mga bihag nilang sundalo at CAFGU para kontrolin ang pamahalaan sa aksyon nito na hindi naman nila papayagan.
Nagpapatuloy pa rin ang hot pursuit operation ng mga sundalo para matukoy ang kinaroroonan ang mga miyebro ng npa na bumihag sa 12 CAFGU at dalawang sundalo sa Barangay New Tubigon, Sibagan, Agusan del Sur.
Tiniyak naman ng AFP na gagawin nila ang lahat para mailigtas ang mga bihag gayundin ang pagrekober sa mga armas ng militar na nakulimbat ng mga rebelde.