IGINIIT | Pag-inspeksyon sa bagahe ng mga delegado ng WCOPA, walang iregularidad

Manila, Philippines – Walang nakitang iregularidad sa ginawang inspeksyon sa mga bagahe ng mga delegado ng World Championships of Performing Arts Philippines (WCOPA).

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Eddie Monreal, ipinakita nila kina WCOPA Team Philippines National Director Gerry Mercado at Creative Director Annie Mercado ang full CCTV coverage ng baggage handling sa NAIA.

Aniya, sinuri nila ang mga lugar kung saan na-unload ang mga bagahe o maletang sakay ng flight PR103, maging sa lugar kung saan ginawa ang customs x-ray inspection process, conveyor belts hanggang sa baggage claim carousels sa NAIA arrival area.


Nauna nang ipinost ng WCOPA delegates at ng singer na si Jed Madela sa social media ang pagkawala umano ng mga pasalubong sa NAIA.

Pinayuhan naman ni Monreal ang mga pasahero na palaging maging alerto at agad na i-report sa mga otoridad kung may problema sa kanilang bagahe.

Facebook Comments