IGINIIT | Pagbuo ng Boracay Island Development Authority, isinulong ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian ang pagtatatag ng Boracay Island Development Authority o BIDA na siyang mangunguna sa rehabilitasyon at development sa isla.

Ang mungkahi ni Gatchalian ay kasabay ng pagsisimula ng pagsasara sa boracay para sa anim na buwang pagsasaayos.

Ayon kay Gatchalian, ang Island Development Authority (BIDA) ang mamamahala, magpaplano at mangangasiwa sa mga hakbang para gawing world-class sustainable tourism destination ang Boracay.


Sabi ni gatchalian, ang Island Development Authority (BIDA) ay katulad ng Intramuros Administration na attached agency ng Department of Tourism (DOT) at nagpapatakbo sa sikat na Heritage site sa Maynila.
Ang Island Development Authority aniya ang titiyak na nasusunod ng mahigit ang lahat ng patakaran sa Boracay at mga environmental laws para masigurong hindi na mauulit ang pagkasira ng isla.

Facebook Comments