Manila, Philippines – Hindi sang ayon si Congressman Jose Panganiban, chairman ng house committee na buwagin ang National Food Authority (NFA) sa ilalim ng rice tarrification bill.
Sa isinagawang media forum sa Quezon City, sinabi ni Congressman Panganiban na sa halip na i-abolish, ilimita ang kapangyarihan nito sa pag-import ng bigas para sa buffer stocking.
Sa sistemang ito ay mawawala aniya ang nakaugalian na pagpapalabas ng alokasyon ng NFA sa pag-import na bigas na daluyan umano ng korapsyon sa sandaling maipasa ang isinusulong na rice tarrification bill.
Ayon pa kay Panganiban, kung susuriin mga farmers cooperative ang nag-aaplay sa alokasyon sa minimum access volume na commitment ng gobyerno sa World Trade Organization.
Sa bandang huli ibinebenta nila ito sa mga private traders.
Hindi rin dapat umasa masyado sa importation kundi dapat ay sabayan ng komprehensibong rice production program.