IGINIIT | Paghuli sa mga tambay, may ligal na basehan – ayon sa isang mambabatas

Manila Philippines – Iginiit ni House Committee on Government Reorganization Chairman Xavier Jesus Romualdo na may ligal na batayan ang utos ni Pangulong Duterte na hulihin at arestuhin ang mga tambay.

Paliwanag ni Romualdo, nakasaad sa Civil Code na itinuturing na public nuisance ang pakalat-kalat sa kalye dahil nakakaabala ito sa iba.

Dagdag pa ng kongresista, ang ganitong public nuisance ay pwedeng sawatain ng mga otoridad kahit hindi dumadaan sa judicial proceedings.


Aniya, maaari namang pauwiin ng mga otoridad ang mga tambay at arestuhin ang mga ito kung magmamatigas na magpakalat kalat sa lansangan.

Giit pa ng kongresista, ang polisiya naman ng Pangulo laban sa tambay ay bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad kaya dapat na suportahan ito.

Facebook Comments