IGINIIT | Pagkakasangkot sa illegal drugs ng ilang kakandidato, dapat munang patunayan

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian na sampahan na agad ng kaso upang mapatunayan kung totoong sangkot sa ilegal na droga ang ilang kakandidato sa 2019 elections bago sila ipadiskwalipika.

Pahayag ito ni Gatchalian, sa harap ng nais ng Department of Interior and Local Government o DILG na ipadiskwalipika ang mga kakandidato na kasama sa narco list.

Diin ni Gatchalian, ayaw naman talaga natin ng mga kandidato na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.


Pero paliwanag ni Gatchalian, hindi mapipigilan ang sinuman sa pagkandidato kung wala namang naihahain na kaso at matitibay na ebidensya laban sa mga ito.

Facebook Comments