IGINIIT | Pagkalas sa mga proyektong pinopondohan ng China, iginiit ni Sen. De Lima sa gobyerno

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila M. De Lima sa Administrasyong Duterte na tularan ang ginawa ng Malaysia na pagkalas sa mga proyekto na pinopondohan ng China.

Sabi ni De Lima, hindi na dapat antayin ng pamahalaan na malubog sa utang sa China.

Tinukoy ni De Lima na malaking bahagi ng P8.2 trillion na pondo para sa Build, Build, Build” program ng gobyerno sa loob ng anim na taon ay nakasandal sa pautang ng China.


Hiling pa ni De Lima sa gobyerno, pag-aralang mabuti ang pangmatagalang epekto sa ating ekonomiya ng China-funded infrastructure projects at mga investments.

Kaugnay nito, may mga resolusyong inihain na rin si De Lima na humihiling na busisiin ng Senado ang multi-bilyong dolyar na loan package na ipinagkaloob ng China sa Pilipinas.

Facebook Comments