IGINIIT | Paglikha ng dept of disaster and emergency management, muling iginiit

Iginiit ni Senator JV Ejecito ang kahalagahan na maipasa agad ang inihain niyang Senate Bill Number 1553 o panukala para sa pagtatayo ng department of disaster and emergency management.

Pahayag ito ni Ejercito matapos ang matinding pananalasa ng malakas na bagyong Ompong sa Northern Luzon na nag-iwan ng mahigit 60 nasawi at malaking pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Ipinunto ni Ejercito, na maliban sa pagkakapwesto sa pacific ring of fire ay madalas ding tamaan ng kalamidad at iba’t-ibang sakuna ang ating bansa.


Bunsod nito ay binigyang diin ni Ejericto, na napakahalagang magkaroon ng ahensya na tututok at mamamahala sa disaster preparedness, response, mitigition at risk reduction.

Ayon kay Ejercito, pag-uugnayin din ng nabanggit na departamento ang lahat ng hakbang para sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad at rehabilitasyon para sa mga lugar na naapektuhan.

Facebook Comments