IGINIIT | Paglikha ng trust fund para sa pangangailangan ng mga pasahero sa paliparan, isinulong ni Senator Zubiri

Iginiit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang paglikha ng isang trust fund mula sa nakukolektang travel tax sa Airport at sa mga seaport.

Ayon kay Zubiri, ang nabanggit na trust fund ang pagkukunan ng ayuda tulad ng pagkain, inumin at matutulugan para sa pangangailangan ng mga pasahero na naiistranded.

Inihalimbawa ni Zubiri, ang halos dalawang araw na pagka-stranded ng libu libong mga pasaheo sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA matas sumadsad ang Ximaen aircraft noong gabi ng August 16.


Layunin ng mungkahi ni Zubiri na tularan mga hakbang airport management sa ibang bansa tulad sa changi airport sa singapore kung saan may sleeping quarters sa loob mismo ng airport para sa mga nai-stranded na mga pasahero lalo na ang mga galing pa sa malalayong probinsya o lugar.

Bansod nito ay nais ni zubiri na amyendahan ang pakay at paggamit sa travel tax na itina-transmit sa TIEZA o Tourism Infrastructuree and Enterprise Zone Authority.

Facebook Comments