Manila, Philippines – Iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na dapat panatilihin ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ito ang iginiit ni Arroyo kasabay ng nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa ngayong Nobyembre.
Sa speech ni GMA sa Boao forum for Asia Youth Summit 2018 sa Hong Kong, naniniwala ito na ang pagbisita ng Chinese President sa Pilipinas ay mas lalo pang magpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa.
Mahalaga aniyang samantalahin ang ‘favorable status’ ng bansa sa China dahil bukod sa tumatatag na relasyon ng dalawang bansa, kaibigan ang turing ng China kay Pangulong Duterte.
Mahalaga aniya ang pagpapanatili ng ‘good relationship status’ ng Pilipinas sa China dahil sa ilang mga factors na makakatulong para sa bansa ang geographical location, trading partnership at infrastructure development.
Ipinunto pa ni Arroyo na papunta na sa pagiging “largest economy” sa buong mundo ang China dahil ito na ang itinuturing na ‘most dynamic’ at ‘fastest growing’ nation kaya mahalaga ang pakikipagkaibigan dito ng Pilipinas.