IGINIIT | Pagpapapalit ng sistema ng gobyerno, hindi dapat madaliin – VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi dapat minamadali ng kongreso at pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Sa programang ‘Biserbisyong Leni’, nagbabala ang bise presidente na posibleng magkawatak-watak ang bansa kapag pinabilis ang proseso.

Bigyan aniya ng panahon ang publiko na maunawaang mabuti ang federalism at maintindihan ang benepisyo ng panukalang charter change.


Matatandaang tutol si Robredo sa pagsusulong ng pederalismo at tinawag ang charter change na ‘untimely’ dahil sa iba’t-ibang problema pang kinakaharap ng bansa tulad ng kahirapan at pagtaas ng presyo ng bilihin.

Facebook Comments