Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na legally questionable ang pag-take over ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Bureau of Customs o BOC.
Diin ni Pangilinan, wala sa mandato ng AFP ang magpatakbo ng ahensya na may kinalaman sa government revenue generation.
Naniniwala din si Pangilinan, na wala rin mangyayari sa BOC kahit na AFP o sino pa ang magpatakbo dito.
Paliwanag ni Pangilinan, ito ay dahil kinukunsinti mismo ng Malakanyang at hindi pinaparusahan ang mga pinuno nito kahit nalulusutan ng multi-bilyong pisong halaga ng shabu.
Sabi ni Pangilinan, ang dapat gawin ay parusahan o papanagutin ang mga palpak na opsiyal ng BOC at mga kasabwat nitong sindikato.
Facebook Comments