IGINIIT | Pagpapataw ng interest sa loan sa mga bangko at kooperatiba, pinasususpinde

Manila, Philippines – Hinimok ni Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong na magpatupad na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Cooperative Development Authority (CDA) ng “regulatory relief” sa mga bangko at kooperatiba.

Ayon kay Ong, dapat na magpatupad muna ng “regulatory relief” sa mga bangko at kooperatiba na kabilang sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Sa oras na ipatupad muna ang “regulatory relief” sususpindihin muna ang pagpapataw at pangongolekta ng interest at iba pang surcharges mula sa mga utang ng mga kababayang sinalanta ng kalamidad.


Giit ng kongresista, hindi talaga makakabayad ang mga biktima ng bagyong Ompong lalo na sa laki ng pinsalang iniwan ng kalamidad sa mga tahanan, pananim at iba pang kabuhayan.

Makakatulong ang “regulatory relief” para makaluwag sa mga bayarin ang mga may pagkakautang sa bangko at sa kooperatiba.

Facebook Comments