IGINIIT | Pagpapaulan ng bala sa bahay ng isang mamamahayag sa Negros, binatikos

Iginiit ni Senator Grace Poe na ang pagpapaulan ng bala sa bahay ng mamamahayag na si Rey Siason sa Talisay, Negros Occidental ay kasumpa-sumpa at hindi dapat palagpasin.

Ayon kay Poe, dapat hayaan ang mga miyembro ng media na gawin ang trabaho nilang maghatid ng makatotohanang impormasyon sa publiko at magbantay sa pamahalaan, dahil ito ay mahalaga sa isang demokrasya.

Binigyang diin ni Poe na ang pananakot o panggigipit sa media sa pamamagitan ng galawang duwag na ito ay makasisiil sa katotohanan at sa kalayaan ng pamamahayag.


Kaugnay nito ay agarang pinaparesolba ni Senator Poe sa mga awtoridad ang nabanggit na insidente laban kay Siason.

Facebook Comments