IGINIIT | Pagpasok ng China sa larangan ng negosyo sa Pilipinas mas kritikal noong taong 2009

Manila, Philippines – Naniniwala ang mga dalubhasa sa larangan ng ekonomiya at seguridad ng bansa na mas kritikal ang pagpasok ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) noong 2009 kumpara sa pagpasok nito ngayong 2018 sa telecommunication.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni Prof. Lucio Blanco Pitlo III, lecturer ng Chinese studies program na noong taong 2009 ay nagkaroon ng sunod-sunod na brown out noon matapos na pasukin ng China ang NGCP.

Sa usapin naman aniya ng South China Sea dapat maging maingat ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagbibigay ng anumang desisyon na posibleng makaaapekto sa seguridad at ekonomiya ng bansa.


Paliwanag naman ni President Chamber of Commerce of The Philippines Islands dapat busisihin ng husto ang lahat ng mga kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas upang hindi malagay sa balag ng alangin ang seguridad at ekonomiya ng bansa.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments