IGINIIT | Pagpayag ng Sandiganbayan na magpiyansa si Imelda Marcos, malaking insulto sa mga Martial Law victims

Manila, Philippines – Iginiit ni Kabataan Rep. Sarah Elago na malaking insulto para sa mga biktima ng martial law ang pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpyansa sa pitong kaso ng graft si dating unang Ginang at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ayon kay Elago, muling pinagkaitan ng hustisya ang mga biktima ng mga Marcos, ang mga pamilya nito at mamamayan dahil sa tila pagpabor pa rin ng Korte sa unang Ginang na sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Tinawag na ‘cheap’ ng kongresista ang justice system sa bansa dahil ang P150,000 na pyansa ni Ginang Marcos ay piso sale lang kumpara sa bilyon bilyong ninakaw nila sa bayan.


Sinabi pa ng mambabatas na napakatagal ng pagbibigay ng hustisya sa mga ordinaryong mamamayan pero sa mga Marcos ay may pa-11-11 sale pa.

Nangako ang Lady solon na hindi sila titigil sa pagkalampag hanggang sa tuluyang makulong ang dating frist lady.

Facebook Comments