IGINIIT | Pagsusuot sa mga security guards ng costume ngayong holiday season, dapat may permiso sa PNP

Ipinaalala ng Philippine National Police (PNP) sa mga may-ari ng mga security agencies na humingi ng permiso sa kanila bago nilang payagan ang kanilang mga security guards na magsuot ng costumes sa mga mall o iba pang establisyimento ngayong yuletide season.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – ang tamang pagsusuot ng prescribed uniform ay bagay na may direktang kontrol ang PNP sa mga security agencies at security guards sa buong bansa.

Dagdag pa ni Albayalde – hindi basta-basta ang pagsusuot ng ‘Santa Claus’ costume.


Tulad aniya sa mga pulis, may polisiya sa pagsusuot ng wastong uniporme sa mga gwardya.

Facebook Comments