IGINIIT | Pakikipagkaibigan sa China dapat ingatan ayon sa mga eksperto

Manila, Philippines – Naniniwala ang ilang mga eksperto sa larangan ng business, security education at iba na dapat pag-iingatan ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China upang hindi malalagay sa balag ng alanganin ang Pilipinas.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni Chamber of Commerce of the Philippines Islands President Jose Yulo Jr. na masyadong naniniwala sa political dynasty kaya at nakatatakot ang konsepto ng pamamahala ng China dahil napakalaki ang kanilang populasyon umaabot sa 1.4 bilyon katao.

Paliwanag naman ni Prof. Lucio Blanco Pitlo III lecturer Chinese International Studies na ang diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at China noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ang kailangan lamang noon ng China sa Pilipinas ay English teacher bilang paghahanda sa 2008 Beijing Olympics noon at Philippine banana.


Iba naman ang pananaw ni Jayme Flor Cruz dati CNN Manager for Beijing China kung saan inihalintulad nito ang China sa isang elepante na hari ng lahat ng mga hayop at gusto ng mga Chinese ay magkaroon ng magandang buhay, mag-travel at good health care gaya din ng mga ambisyon ng mga Pilipino.

Sa panig naman ng seguridad sinabi ni dating Commodore Rex Robles member ng Consultative Commission founder ng RAM na Super Power ang China pagdating sa militar kaya nagtutulungan ngayon ang China at Russia pagdating sa militar strategist and security.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments