Manila, Philippines – Sa kabila ng higit 4 na libong drug suspect na napatay sa operasyon kontra illegal na droga, nanindigan ngayon ang Palasyo na hindi pinapaburan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga iligal na pag patay.
Sa Real Number Forum na ginanap kahapon, sinabi ni Roque, na bilang Presidente at Commander in Chief, batid ng Pangulo na sa kaniya pa rin magre-reflect ang aksyon ng mga indibidwal na nagseserbisyo sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Dahil dito, nananatili aniya ang mandato ng Pangulo sa mga awtoridad na pairalin ang due process sa nagpapatuloy na anti-illegal drug campaign.
Kaugnay nito, umapela rin si Roque, na pairalin rin ang rule of law sa mga pulis na inaakusahang umaabuso sa kanilang kapangyarihan.
Base sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), simula July 1, 2016 hanggang May 15, 2018, nasa 4, 279 na mga drug suspects na ang napatay sa mga anti-illegal drug operation, habang nasa 143, 335 drug personalities naman ang naaresto.