IGINIIT | Palasyo, tiniyak na walang pork barrel sa 2019 proposed nat’l budget

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na walang nakatagong pork barrel sa proposed ₱3.757 trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – base sa depinisyon ng Korte Suprema, ang pork barrel ay ang lump sum na inaaprubahan.

Sa ngayon aniya, wala na talagang ‘pork barrel’ dahil lahat ay identified na.


Tiniyak ng Palasyo na nagpapatupad ang administrasyong Duterte ng mga hakbang para magamit at nagagastos sa tama ang pera ng bayan.

Facebook Comments