IGINIIT | Pamumulitika ng mga kalaban ng administrasyon hindi umeepekto sa mamamayan – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ang Palasyo ng Malacañang na talagang hindi umeepekto sa mamamayan ang pag-iingay ng mga kalaban sa pulitika ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos lumabas ang resulta isang survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumalabas na 70% ng ating mga kababayan ang kuntento sa performance o sa trabaho ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ipinapakita dito na ang nakikita ng mamamayan ay ang positibong tinatrabaho ng Pangulo at hindi pinapansin ng mayorya ng mamamayan ang mga negatibong akusasyon ng mga taga oposisyon.


Ipinapakita din aniya nito na hindi nagpapaapekto ang Pangulo sa pamumulitika at ipinagpapatuloy lang ang tapat na pagtatrabaho at pagbibigay ng tamang serbisyo sa mamamayan.
Ang pinakahuling rating ng Pangulo ay higit na mas mataas ng siyam na puntos kumpara sa “good” o +45 na kanyang nakuha noong June 2018.

Facebook Comments