IGINIIT | Pamumuno ni Pangulong Duterte, nakamamatay na

Manila, Philippines – Iginiit ni Akbayan Rep. Tom Villarin na nakamamatay na ang pamumuno ng Duterte Administration.

Ang reaksyong ito ay kasabay ng magkasunod na pagkakapatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili ng Batangas at Gen. Tinio Mayor Ferdinand Bote ng Nueva Ecija.

Ayon kay Villarin, ang assasination sa mga local chief executives ay patunay na wala nang takot ang mga pumapatay.


Tuluyan na umanong inabanduna ang rule of law sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte dahil sa harap-harapang paggawa ng krimen.

Nagmistula umanong ‘open season’ para sa mga killers at assassins ang paggawa ng labag sa batas dahil sa hindi naman napaparusahan ang mga ito.

Walang ibang dapat sisihin kundi si Pangulong Duterte dahil siya mismo ang nagbigay lisensya at hudyat na pumatay sa ilalim ng anti-drugs campaign.

Mababatid na ang isang napatay na Mayor na si Halili ay nakilala sa ‘walk of shame’ nito sa mga nahuhuling kriminal at mga drug suspects pero ang Alkalde rin ay napabilang sa listahan ng Narco-list ng Duterte administration.

Facebook Comments