IGINIIT | Pananaw ng mamamayan, nakasalalay sa gawain ng mga pulis at hindi sa teleserye – Sen. Poe

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Grace Poe na hindi sa teleserye kundi sa gawain mismo ng mga pulis nakasalalay ang pananaw ng mamamayan sa pambansang pulisya.

Tugon ito ni Senator Poe sa pahayag ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde na nakakaapekto sa imahe ng kanilang hanay ang teleseryeng “ang probinsyano” ang imahe ng mga pulis.

Ang teleserye ay ibinase sa pelikula ng yumaong ama ni Senator Poe na si Fernando Poe Jr.


Ayon kay Senator Poe, ‘Bato-bato sa langit, tamaan ay ‘wag magalit,’ dahil bunga lang ng malikhaing katha ng produksyon ng teleserye ang takbo ng istorya nito kung saan may iba’t ibang kontrabida, at hindi lang mga pulis.

Giit pa ni Senator Poe, dapat ay tingnan ang kabuuan ng istorya na nagpapakitang sa gitna ng kasamaan, ay may mga pulis na gaya ni Cardo at kanyang kasamahan, na ipaglalaban ang katuwiran at katotohanan kaya sa bandang huli ay ang kabutihan pa rin ang magwawagi.

Facebook Comments