IGINIIT | Pangalan ng 10 unibersidad na idinadawit sa Red October, hindi dapat isinapubliko

Manila, Philippines – Mali para kay Senator Panfilo Ping Lacson ang ginawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagsasapubliko ng pangalan ng sampung paaralan na idinadawit sa Red October destabilization plot.

Katwiran ni Lacson, ang mga intelligence reports ay dapat para lang sa kaalaman ng intelligence operatives.

Ayon kay Lacson, ito ay para makapagsagawa ang mga operatiba ng maayos na imbestigasyon, surveillance at pangangalap ng matitibay na ebidensya.


Sabi ni Lacson, layunin nito na makabuo ng malakas na kaso at matagumpay na maaresto ang mga target.

Ipinunto ni Lacson na dahil naisapubliko na ang impormasyon ay magiging mahirap na sa mga intelligence operatives ang kumilos lalo pa at mariing itinanggi ng mga sinasangkot na unibersidad at kanilang mga estudyante ang umano ay pakikisabwatan sa mga nagbabalak pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Facebook Comments