IGINIIT | Pangulong Duterte, dapat na sisihin sa pagsadsad ng ekonomiya ng bansa

Manila, Philippines – Iginiit ng MAKABAYAN sa Kamara na walang ibang dapat na sisihin sa pagbagsak ng ekonomiya kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng mabagal na GDP growth ngayong second quarter ng taon na nasa 6% lamang kumpara noong first quarter na nasa 6.6% GDP growth at ang naitalang inflation rate na nasa 5.7% na nitong Hulyo.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, dapat na sisihin ni Pangulong Duterte ang kanyang sarili dahil pinayagan nito ang pagpapatupad sa TRAIN Law na pangunahing dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya.


Nangangamba naman si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na mas lumala pa ang pagsadsad ng ekonomiya sakaling hayaan muli ni Pangulong Duterte na maipatupad naman ang TRAIN 2.

Sinabi naman dito ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na hindi na dapat pagtakpan ng pamahalaan na TRAIN at ang nakaambang na rice tariffication bill ang totoong dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya.

Nananatili naman ang panawagan ni ACT Teachers Rep. France Castro sa pagbasura sa TRAIN 1 at TRAIN 2 at pagsusulong sa mas mataas na budget para sa mga social services sa susunod na taon.

Babala pa ng mga mambabatas, dahil sa mga anti-poor policies ng gobyerno ay asahan na sa 3rd quarter ng taon ay mas mababa pa sa 6% ang ilalago ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments