Manila, Philippines – Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyong nagre-recycle lamang siya ng mga itatalagang opisyal sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Duterte, hindi ibig sabihin na kapag tinanggal na niya ang opisyal sa isang ahensya ay may kinasasangkutan na itong katiwalian.
Aniya, nagpapatupad lamang siya ng revamp o balasahan.
Sagot ito ni Pangulong Duterte matapos punahin ang pagtatalaga sa Department of Agriculture (DA) kay Tourism Secretary Jose Gabriel Pompee La Viña.
Facebook Comments