IGINIIT | Pangulong Duterte, hindi na kailangang mag-sorry kasunod ng pahayag nito tungkol sa Diyos – Sen. Lacson

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na hindi kailangang pilitin si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-public apology kaugnay ng pahayag nito na God is stupid.

Ayon kay Lacson, ang paghingi ng tawad ay kusang ginagawa ng isang tao at hindi hinihingi.

Naniniwala rin aniya siyang malabo ang mungkahi ni Davao City Mayor Sara Duterte na huwag nang pakinggan ang sinasabi ng kaniyang ama lalo na kung wala itong kinalaman sa kaniyang pagkaPangulo.


Giit ni Lacson, presidente ang ama ng alkalde kaya hindi maiiwasan na nagiging interesado ang publiko sa kaniyang mga sinasabi.

Sa kabila nito, tiniyak ni Lacson na suportado pa rin niya ang pamumuno ni Duterte.

Facebook Comments