Hindi naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na isang corrupt official si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa pagdalo nito sa National Information and Communications Technology (NICT) Summit 2018 sa SMX Convention Center sa Lanang, Davao City.
Ito ay may kaugnayan sa nangyaring pagkumpiska sa P3.2 billion na halaga ng Mighty cigarettes na may fake tax stamps sa ginawang raid sa isang warehouse sa Matimbubong Village.
Ayon kay Duterte, kung totoong kurap si Faeldon hindi na sana niya ibubunyag ang 45 billion pesos na tax liabilities ng Mighty Corp.
Sinabi pa ng Pangulo na trabaho lamang ni Faeldon ang kaniyang ginawa pero lumalabas na siya pa ang naging masama sa ginawa niyang hakbang.
Matatandan din na pinangunahan noon ni Faeldon ang pangalawang raid sa apat na warehouses sa San Simon, Pampanga kung saan nakumpiska ang P2-million worth ng Mighty at Marvel cigarettes, na parehong gawa mula sa Mighty Corporation na naka base sa Malolos.