Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na niniwala siya sa abilidad ng mga babae.
Ito ay matapos sabihin ng Pangulo na ayaw niyang babae ang magiging susunod na Punong Mahistrado at maging Ombudsman.
Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng isang bagong tulay sa Davao City, sinabi ng Pangulo na sadyang may mga trabaho lang na hindi akma sa mga babae.
Sinabi pa ng Pangulo na mas gusto niya na lalaki ang papasok bilang pulis at sundalo.
Facebook Comments