IGINIIT | Pangulong Duterte, tinawag na totoong destabilizer ng gobyerno

Manila, Philippines – Iginiit ni Caloocan Rep. Edgar Erice na si Pangulong Duterte ang gumagawa ng destabilisasyon sa pamahalaan.

Ang pahayag ng kongresista ay kasunod na rin ng sinabi ni Pastor Boy Saycon na posibleng gamitin ang simbahan para sa destabilization plot laban sa Presidente.

Pero giit ni Erice, si Pangulong Duterte ang totoong gumagawa ng pagpapabagsak sa gobyerno at hindi ang simbahan dahil sa mga sinasabi nito na nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng sambayanan.


Pinayuhan ni Erice si Pangulong Duterte na kung babawasan nito ang mga hindi magagandang salita ay tiyak na mababawasan ng kalahati ang problema ng bansa.

Para naman kina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tom Villarin, wala naman nang basta naniniwala sa sinasabi ni Pastor Saycon.

Ang pagkakasama umano kay Saycon para makipagdayalogo sa Simbahan ay paraan lamang para lalong magkahati-hati ang mga mananampalataya.

Facebook Comments