IGINIIT | Panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng microplastic, binabalangkas na ni Sen. Legarda

Manila, Philippines – Plano ni Senadora Loren Legarda na maghain ng mga panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng microplastics sa mga consumer, product at iba pang uri ng plastic na nakasisira sa kapaligiran at malaking banta sa karagatan.

Ikinatwiran ni Legarda, na ang Pilipinas ay isa sa may pinakamayamang marine ecosystems sa mundo, subalit, isa rin ito sa mga bansang nangunguna sa mga pinagmumulan ng basurang plastic na napupunta sa karagatan.

Ipinunto pa ni Legarda, na ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Canada at United Kingdom ay may mga umiiral nang batas na tuwirang nagbabawal sa mga plastic microbeads na kadalasan ay matatagpuan sa mga shampoo, toothpaste at cleanser na napupunta sa mga karagatan at nagiging banta sa mga buhay ng laman dagat.


Diin ni Legarda, napapanahon na para sa Pilipinas na magpatupad na rin ng kahalintulad na mga batas na magbabawal sa microplastics at paggamit ng plastic upang makabawas sa mga basurang sumisira sa mga karagatan sa buong mundo.

Facebook Comments