Pinakamahina ang Pilipinas sa mga bansa sa AYS pagdating sa paghawak ng isyung pang-seguridad.
Ito ang sinabi ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon kasunod na rin ng pag-apruba ng Kongreso sa isang taong extension ng martial law sa Mindanao.
Aniya, dapat na magkaroon ng matibay na batas ang bansa para matuldukan na ang terorismo at violent extremism lalo na sa Mindanao.
Inihalimbawa ni Esperon ang mga bansang Singapore, Malaysia, Indonesia at Australia kung saan pwedeng ikulong nang sampu hanggang 30 araw ang isang taong pinaghihinalaang banta sa seguridad.
Habang dito sa Pilipinas, kailangan pang masampahan ng kaso sa loob ng 72 oras ang isang hinihinalang terorista dahil kapag napatagal ng tatlong araw ay maaaring balikan ang mga otoridad ng illegal detention at iba pang asunto.