Manila, Philippines – Walang pinapanigan ang Pilipinas sa hindi pagkakasundo ng China at Estados Unidos.
Ito ang iginiit ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.
Ayon sa kalihim – kaibigan ng Pilipinas ang dalawang bansa na parehong itinuturing na big economy.
Aniya, pinapalakas ng bansa ang ugnayan nito sa dalawang bansa lalo na sa kalakalan.
Sinubukan din ng Pilipinas na mare-negotiate ang ilan sa ating mga trade deal para mabigyan ang bansa ng referential tariffs sa ilang mga produkto.
Facebook Comments