Manila, Philippines – Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi maaring pagsabayin ang pagsasagawa ng plebisito ng charter change at may 2019 Midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – ang plebisito ay nangangailangan ng anim na buwan para i-educate ang mga botante.
Aniya ang buwan ng Mayo ay ikalimang buwan ng taon kaya at imposible na mangyari ang education period.
Sa ngayon, sinabi ni Jimenez na malapit na nilang isapinal ang disenyo ng gagamiting balota.
Target ng poll body na i-imprenta ang mga balota sa Enero ng susunod na taon.
Facebook Comments