IGINIIT | PNP Chief Oscar Albayalde, iginiit na walang halong pulitika ang pagtanggal kay Chief Supt. Alfredo Corpus

Manila, Philippines – Iginiit ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde na walang halong pulitika ang ginawang pagtanggal kay Chief Superintendent Alfredo Corpus bilang Eastern Police District (EPD) Director.

Ayon kay Albayalde, ang pagka-relieve kay Corpus at pag-reassign sa kanya sa Directorate for Police Records and Management (DPRM) ay resulta ng deliberasyon ng oversight committee na nagdedesisyon sa kapalaran ng mga senior police officials.

Aniya, posibleng nakitaan ng komite ng magandang posisyon si Corpus kaya ito inilipat.


Nabatid na nagtagal lamang si Corpus sa EPD sa loob ng 12 araw at pinalitan siya ni Chief Superintendent Bernabe Balba.

Facebook Comments