IGINIIT | PNP Chief Oscar Albayalde, naintindihan ang utos ni PRRD sa tamang pag-aresto sa mga tambay

Manila, Philippines – Iginiit ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi nila na mis interpret ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para manghuli ng mga lumalabag sa ordinansa.

Paliwanag ni Gen. Albayalde alam nila sa umpisa palang hindi target sa utos ng Pangulo ang mga tumatambay na walang paglabag sa anumang ordinansa.

Matatandang nainis at napamura pa si Pangulong Duterte kamakailan dahil sa tila hindi naintindihan ng PNP ang kanyang direktiba patungkol sa pang aaresto sa mga tambay.


Sa ngayon mahigpit ang kanyang direktiba sa mga pulis na dapat lahat ng kanilang aksyon katulad ng Oplan sita, Oplan baka at Oplan galugad ay nakabatay sa Police Operational Procedures

Ipinauubaya nya na rin sa mga PNP Commanders ang direktang pangunguna sa pagsisita sa mga lumalabag sa ordinansa sa kabila na inihayag ng opisyal na sumusporta lamang ang mga pulis para rito dahil pangunahing trabaho ng mga local government officials na iutos ito sa mga barangay officials.

Facebook Comments