Manila, Philippines – Iginiit ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde na walang ‘double-standard’ sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa at paghuli sa mga tambay.
Ayon kay Albayalde, hindi kailanman naging anti-poor ang kanilang operasyon dahil maging ang mga mahihirap ay pinupuri ang hakbang na ito lalo at nararamdaman nilang ligtas sila sa mga kalsada.
Sa datos ng PNP, higit 24,000 ang naaresto sa iba’t-ibang operasyon sa ilalim ng pagpapatupad ng city ordinances sa Metro Manila.
Ang PNP ay ginagawa ang mga operasyon para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko lalo na ang mga nagtatrabaho sa gabi.
Facebook Comments