IGINIIT | PNP, nanindigang ‘constitutional’ ang war on drugs

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na constitutional ang war on drugs.

Ito ay matapos ilabas ng Korte Suprema ang resolusyong nagsasabing state-sponsored killings ang ilan sa nangyayari sa anti-illegal drugs operations.

Nakasaad pa sa resolusyon na kung ang mismong korte ay hindi makakuha ng impormasyon hinggil sa datos ng mga namamatay war on drugs, ordinaryong mamamayan pa kaya.


Ayon Kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga ay legal at ipinatutupad para sa kaligtasan ng publiko.

Giit pa ni Bulalacao, hindi lang dapat sa death toll nakatuon ang korte, isama rin dapat nito ang mga bilang ng mga sumusuko at naaresto.

Dagdag pa ng PNP, kung tunay ang mga alegasyon ng extrajudicial killings ay dapat patay na ang mga naaresto at sumuko.

Facebook Comments