IGINIIT | PNP, nanindigang walang EJK sa war on drugs

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang Extra Judicial Killings (EJK) sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – kung mayroon mang namamatay ay dahil ito sa operasyon ng pulisya kung saan nanlalaban ang mga suspek.

Ani Albayalde – hindi naman maitatanggi na mayroon pa rin mga police na nasasangkot sa transaksyon ng ilegal na droga subalit dumadaan na ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo.


Matatandaang inamin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasalanan niya ang EJK sa ilalim ng War on Drugs.

Facebook Comments