IGINIIT | PNP, tiniyak na walang malalabag sa karapatang pantao sa panghuhuli sa mga tambay

Manila, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang malalabag na karapatang pantao sa pang­huhuli ng mga tambay.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sinasamantala lang ng mga kritiko ang pagkakataon para siraan ang pamahalaan.

Giit ni Albayalde, kung may mga taong nagrereklamo na nilabag ang kanilang karapatang pantao ay maari silang dumiretso sa kaniyang opisina sa Camp Crame.


Binigyang diin pa ni Albayalde na ang panghuhuli ng mga tambay ay dahil sa paglabag ng mga ito sa mga ordinansa.

Facebook Comments