IGINIIT | Preliminary examination sa war on drugs, hindi na ikinagulat ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng Malacañang ang anunsyo ng International Criminal Court (ICC) sa publiko na patuloy pa rin nitong sinisilip ang umano ay crimes against humanity ng Pilipinas kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang ICC at ilang opisyal ng United Nations (UN) ay matagal nang naglalabas ng sentimiyento at opinyon na layong pahiyain ang bansa.

Ipapakita nito sa buong mundo na guilty ang Pilipinas sa mga krimen na hindi naman nito ginawa.


Sa kabila nito, malaya ang ICC na gawin ang anumang isasagawa nitong imbestigasyon.

Pero binigyang diin ng Palasyo na ang Pilipinas ay kailanman hindi naging state party sa Rome Statute na binuo ng ICC, kaya hindi kikilalanin ng bansa ang mga hakbang nito.

Facebook Comments