IGINIIT | Proseso ng lehislasyon, posibleng nakalimutan na ni dating SP Enrile

Manila, Philippines – Bukod kay Senate President Tito Sotto III ay hindi rin nagustuhan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na sa halip magkaroon ng mainitang debate ay dinadaan na lamang sa kwentuhan ngayon ng mga senador ang pagpasa sa mga panukalang batas.

Ayon kay Lacson, walang nangyayaring ‘coffee table’ legislation dahil dumadaan sa tamang proseso ang pagpasa nila sa mga panukalang batas.

Sabi pa ni Lacson, parang ang tagal ng nawala sa Senado ni Enrile dahil tila nakalimutan na nito kung paano ginagawa ang lehislasyon.


Lahat aniya ng panukala ay dumadaan sa matinding interpellation bago makalusot sa 2nd at 3rd o final reading.

Binigyang-diin ni Lacson, na patunay ng matinding debate at mahigpit na pagbusisi nila sa mga panukala ay ang mainit na kontrobersya ngayon kaugnay sa pork barrel na nakasiksik sa proposed 2019 national budget.

Facebook Comments