IGINIIT | PRRD, inaming hindi na Katoliko pero nananatiling Kristiyano

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili siyang Kristiyano pero hindi na Katoliko.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang malinaw na relihiyon dahil sa magkaiba na paniniwala ng kanyang magulang.

Aniya, ang kanyang ina ay isang Moro dahil sa pagiging half-Maranao nito habang ang kanyang ama ay isang Kristyano.


Pero ipinunto ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos.

Pinuna rin niya ang simbahang Katolika dahil sa anya’y sobra-sobrang singil nito sa kasal, libing at binyag.

Facebook Comments