Manila, Philippines – Magbibitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag mapapatunayang totoo ang Diyos sa pamamagitan ng ‘Selfie’.
Sa talumpati nito sa Davao City, sinabi ng Pangulong Duterte na kung sinuman ang kayang umakyat ng langit ay makipag-usap ito sa Diyos at humiling ng magpakuha ng picture kasama nito.
Muli ring ipinahayag ni Duterte ang malalim at masunuring pananampalataya nito sa kanyang Panginoon.
Matatandaang inulan ng iba’t-ibang reaksyon ang Pangulo matapos tawaging ‘Stupid’ ang Diyos, kwestyunin ang ilang doktrina at paniniwala tulad ng ‘The Story of Creation’, konsepto ng langit at impyerno, at ang ‘The Last Supper’.
Bumuo na ang Pangulo ng team para magsagawa ng dayalogo kasama ang mga lider ng Simbahang Katolika at iba pang religious groups.
Bukas, July 9 ay ang nakatakdang pagpupulong ng pangulo kasama si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles.