Manila, Philippines – Iginiit ni Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na magdudulot ng pagka-antala sa ilang proyekto ng pamahalaan ang posibleng re-enacted budget para sa 2019.
Tugon na rin ito ni Diokno ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na hindi babagsak ang bansa sa delayed budget.
Aniya, hindi ito makabubuti sa ekonomiya ng Pilipinas.
Nasa -1.1% hanggang -2.3% ang inaasahang mababawas sa gross domestic product sa buong 2019.
Imbes na 7% ang itataas sa ekonomiya ay maglalaro na lamang ito sa 4.7% hanggang 5.9%.
Ani Diokno, naghahabol sila sa growth target na nakabatay sa fiscal policy o revenue collection at expenditure ng gobyerno na gagamitin sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Posible rin aniyang mawala ang nasa 600,000 trabaho sa iba’t-ibang sektor tulad ng konstruksyon, transportasyon at edukasyon.
Naniniwala ang kalihim na dapat samantalahin ang matatag na ekonomiya para ipagpatuloy ang mga proyektong imprastraktura.