Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang paglalapat ng reporma sa Energy Regulatory Commission o ERC.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng muling pagsuspinde ng Ombudsman sa apat na commissioners ng ERC dahil sa iregular umanong paggamit sa bill deposits ng Manila Electric Company o Meralco.
Dismayado si Gatchalian dahil sa halip na proteksyunan ang kapakanan ng mga consumers sa sektor ng enerhiya ay palagi na lang nasasangkot sa anumalya ang mga opisyal ng ERC.
Bunsod nito ay minamadali na ni gatchalian ang pagsasapinal sa panukala para sa reporma ng ERC at pagiging mas bukas sa publiko ng mga desisyon at hakbang nito.
Facebook Comments