Tinawag ng Philippine National Police (PNP) na propaganda ng mga kritiko ng administrasyong Duterte ang report na halos 30,000 na ang mga napapatay sa war on drugs.
Kasunod ito ng report ng #RealNumbersPH na 4,999 lamang ang mga napatay sa mga police anti-drug operations sa buong bansa mula nang magsimula ang Duterte administration.
Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana, mga kaso ng homicide under investigation ang maraming kaso ngayon.
Pero sa kanilang pagtaya ay may 2,000 kaso pa umano ng patayan na maaring may kaugnayan sa ilegal na droga.
Aminado naman ang PNP at pati na ang PDEA na kailangan pa rin nilang magdoble kayod sa kampanya kontra sa ilegal na droga at hinihingi ang kooperasyon ng taongbayan.
Facebook Comments