IGINIIT | Rice Tariffication Bill, hindi dapat pagkakitaan ng gobyerno

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na hindi dapat magkaroon ng pakinabang o kita ang pamahalaan sa rice tariffication dahil hindi ito revenue measure.

Ayon kay Recto, ang salaping magmumula dito ay dapat gamiting tulong pinansyal sa mga magsasaka o pambili ng mga kagamitan sa bukid at insurance sa kanilang mga tanim.

Sa bersyon ng Senado ay inalis ang probisyong naglilimita sa hanggang 10-bilyong piso kada taon na rice competitive enhancement fund para sa mga magsasaka.


Diin ni Recto, ang lahat ng makokolekta sa importasyon ng bigas ay dapat 100-porsyentong mapunta sa mga magsasaka na posibleng umabot ng mahigit 13-billion pesos hanggang 27.7-billion pesos sa susunod na taon.

Facebook Comments